Paper Tumblr Themes

When Love Takes the Whole World by Storm..

Isang buwan…. Isang buwan na pala ang nakakalipas simula ng bumalik sa akin ang kalungkutan. Walang nakakaalam, wala akong mapagsabihan. Sobrang sakit pa din pala sa tuwing maalala. Akala ko nung una, pag sinabi kong “okay na”, okay na talaga ang lahat. Dumating sa puntong gusto ko ng sumuko, magmakaawa, pumunta sa kanila, lumuhod at sabihing, “Uy teka, mahal kita. Nangako ka, diba? Baka naman pwede pa…” Hindi, hindi ko nagawa dahil na din siguro sa takot na wala din akong mapala. Sabi nila, “Kasalanan mo yan, panindigan mo na lang.” Meron naman nagsasabing, “Hindi sya karapat dapat iyakan, maganda kang nilalang para saktan.” San na ba ko maniniwala? San na ba ko papanig sa lahat ng aking naririnig? Kaya nagpasya akong manahimik na lang, kimkimin ang lahat ng sakit, baka kase sabihin nilang, “Ang tagal na nyan ah, baka naman drama na lang yan?”. Saan na nga ba ako matapos ang pitong buwan? Para kaseng bumabalik nanaman ako sa nakaraang gusto ko na sanang talikuran. Pero dahil sa mga masasayang ala-ala, sa mga pagkakamaling gusto ko sanang itama, parang pakiramdam ko ‘Teka, may pag-asa pa’.

Isang buwan.. Isang buwan na din simula ng akalain kong ako pa din ang mahal niya…. Ako na lang palang mag-isa, wala na pala talaga.

Isang buwan na din nung naalala kong kahapon, umiyak ako sa bus dahil sa… Teka, masakit na. Ayoko ng balikan pa.

Pero, nagpapasalamat ako dahil dumating na ang araw na ito. Pagkatapos ng isang buwan, pakiramdam kong bumalik ulit ako sa Day One… Wala na kong pag-asa…………………….. pero, sa pagkakataon na ‘to, alam ko na, tama na…

(to be continued on next post)



  1. yesimasinner said: Hey girl *hugs* Congrats for going back to Day One. Kaya mo yan! Been through a lot of those. Your battle scars will only make you more beautiful. Your weakness will become your strength. So heads up. Smile :-)
  2. oleenation posted this


I am Oleen, an eighteen year old newbie at blogging . I am SAVED WITH AMAZING GRACE OF GOD,and i am a soldier of truth and love :)


Creator of the Tumblr Christians Philippines group.
Vocalist of the Adelphos Band
Church Secretary of UCCP-Dulongbayan
most of all, I am all of the above because I am a daughter of God :)





Powered By: Tumblr Themes | Facebook Covers